Ebanghelyo: Lucas 13:1-9
Dumating naman ang ilang tao na nagbalita kay Jesus ng nangyari sa Templo. Ipinapatay nga ni Pilato ang mga taga-Galilea at nahalo ang kanilang dugo sa mga handog nila. Sinabi ni Jesus sa kanila: “Sa akala ba ninyo’y mas makasalanan ang mga taga-Galileang iyon kaysa lahat ng mga taga-Galilea dahil sila ang nagdusa? Hindi. At sinasabi
ko sa inyo: kung hindi kayo magbabago, mapapahamak din
kayong lahat.
Gayon din naman sa namatay na labingwalong taong nabagsakan ng tore sa Siloe, sa akala ba ninyo’y mas may utang sila sa Diyos kaysa lahat ng naninirahan sa Jerusalem? Sinasabi ko: hindi, pero kung hindi kayo magbabago, mapapahamak din kayong lahat.”
At sinabi ni Jesus ang talinhagang ito: “May taong may isang puno ng igos sa kanyang ubasan. At pumunta siya para maghanap ng mga bunga pero wala siyang nakita. Kaya sinabi niya sa nag-aalaga ng ubasan: ‘Tatlong taon na akong pumaparito sa paghahanap ng mga bunga sa punong-igos na iyan at wala akong nakita. Putulin mo iyan at pampasikip lang sa lupa.’ Ngunit sumagot sa kanya ang tauhan: ‘Ginoo, pabayaan mo na siya ngayong taon. Maghuhukay ako sa paligid nito at lalagyan ng pataba. Baka sakaling mamunga siya ngunit kung hindi’y saka mo siya putulin.”
Pagninilay
Nung isang taon, nauso ang pag tatanim. Marami ang na wili sa gawaing ito dahil nagbibigay ito ng inspirasyon at nakakatulong din sa kalikasan. Ang iba pa nga ay ginawa itong kabuhayan. Marami nga namang naibibigay ang pagtatanim, lalo na kung ang mga inaalagaan ay malago, malusog at namumunga o namumulaklak. Ngunit paano kung ang inaalagaan ay hindi malusog o hindi gumalaw ayon sa kagustuhan natin? Itatapon na lang ba natin ito, puputulin o isasantabi?
Sa Ebanghelyo, inilalar awan sa atin ang Diyos bilang isang har-dinero. Napaka-pasensyosong har-dinero! Nais ng hardinero na big yan ng isa pang pagkakataon ang puno ng igos. Hindi niya ito pinu tol. Inal-agaan pa nga niya ito hanggang sa ito’y magbunga. Aala gaan, tutulun-gan, iingatan, at kung kinakailangan, bubunutin ang mga damo sa buhay natin. ‘Yan ay kung papayagan natin Siya.
Minsan nakakalimutan natin na kailangan nating tumugon sa imbi-tasyon ng Diyos na alagaan niya tayo. At kahit hindi tayo tumugon, handa siyang maghintay sa atin. Hindi tayo pababayaan, bagkus gagawin pa niya ang lahat para magbunga tayo. Kaya nga lang pagminsan, akala natin kaya na natin. Na sapat na ang nakukuha nating nutrisyon, sikat ng araw o tubig. Ngunit kulang pala ang mga ito. Kaya naman, hindi tayo bu-mubunga o namumulaklak na gaya natin. Iniimbitahan tayo ng Diyos na hayaan natin siyang alagaan at punuan ang akala nati’y kumpleto ng buhay natin. At kahit hindi ka pa handa, nariyan lang ang Diyos, laging naghihintay sa atin.
© Copyright Pang Araw-Araw 2022