Ebanghelyo: Marcos 3:7-12
Kaya lumayo si Jesus na kasama ang kanyang mga alagad papunta sa dagat. Maraming taga-Galilea ang sumunod sa kanya.
Mayroon din namang mga taong galing sa Judea at Jerusalem, at sa Idumea at sa kabilang ibayo ng Jordan, at sa Tiro at Sidon. Maraming-marami ang nagpunta sa kanya nang mabalitaan nila ang lahat niyang ginagawa.
Kaya tinagubilinan niya ang kanyang mga alagad na ihanda ang isang bangka para sa kanya dahil maraming tao, at baka nila siya maipit. Marami na siyang pinagaling kaya pilit siyang inaabot ng lahat ng may karamdaman para mahipo siya. Sinusugod siya ng mga inaalihan ng maruruming espiritu pagkakita sa kanya at pasigaw nilang sinasabi: “Ikaw ang Anak ng Diyos.” Ngunit tinagubilinan niya silang huwag siyang ibunyag.
Pagninilay
Sa nakaraang taon, nakita natin kung gaano kahalaga ang may mabuting kalusugan. Kadalasan napagtatanto lamang natin ito kapag nawala ito sa atin. Hindi naka-kagulat na ang mga tao na nagmula pa sa ibang lugar ay gustong hawa-kan si Jesus para gumaling sila. Na niniwala sila sa kapangyarihan ni Jesus na magpagaling at hindi la mang pagpapagaling ng kanilang pisikal na karamdaman kundi pati na rin ang pagpapatawad ng kanilang mga kasalanan. Ang kanilang buhay ay nagkaroon ng kaayusan.
Sa pamamagitan ng pagpapaga-ling sa maysakit ay pinapaalala-hanan tayo ni Jesus na dapat nating ala gaan ang ating kalusugan, sa-pagkat ito ay biyaya ng Diyos. Pero huwag din nating kalimutan na pahalagahan ang espiritual nating kalusugan. Kung ang ating katawan ay nanga ngailangan ng pahinga, gayun din ang ating kaluluwa. At napupuno lamang ulit ang kaluluwa natin kung tayo’y makipag-ugnayan muli sa Diyos. Ito man ay sa pama-magitan ng pagsimba, pagdarasal o retreat. Ano-ano ang mga ginagawa mo para mapanatili ang kalusugan ng iyong buhay espiritual?
© Copyright Pang Araw-Araw 2022