Ebanghelyo: Lucas 21:25-28, 34-36
Magkakaroon ng mga tanda sa araw, buwan at mga bituin. Sa lupa’y mangangamba ang mga bansa dahil sa ugong at alon ng dagat, at wala silang magagawa. Hihimatayin ang mga tao dahil sa takot at pagkabahala sa mga sasapitin ng sanlibutan sapagkat mayayanig ang mga puwersa ng sanlibutan. At makikita nila ang Anak ng Tao na dumarating na nasa ulap na may Kapangyarihan at ganap na Luwalhati.
Kung magsimula nang maganap ang mga ito, tumindig kayo at tumunghay dahil palapit na ang inyong katubusan.”
Mag-ingat kayo’t baka bumigat ang inyong mga isip sa mga bisyo, paglalasing at mga intindihin sa buhay. At baka bigla kayong datnan ng araw na iyon. Babagsak itong parang bitag sa lahat ng nasa lupa. Kaya lagi kayong magbantay at manalangin para maging marapat na makatakas sa lahat ng mangyayaring ito at makaharap sa Anak ng Tao.”
Pagninilay
Ipinagdiriwang natin ang simula ng isang bagong taon. Ang bagong Liturhikal na Taon. Ito ay may simula ng panahon ng pag-alaala, pagpapahayag at paghahanda hindi lamang para sa susunod na panahon (Pasko) kundi para sa paglalakbay sa buong liturhikal na taon. Natatandaan natin na si Jesus ay pumasok sa buhay ng tao bilang isang mahina na bagong silang na sanggol; ipinahayag natin na ang Misteryo Paskuwal ni Hesus ay nagpapatunay sa kanyang pangako ng pagbabalik sa kaluwalhatian; nakahanda tayong muling mabuhay sa mga kwento ng ating kaligtasan na dinala sa atin ni Jesus. Ang adbiyento ay pag-alaala, pagpapahayag at paghahanda sa pagdating ng Tagapagligtas; ngunit ito rin ay panahon upang ihanda tayo para sa muling pagbabalik ng Panginoon. The coming of the savior was a source of hope and anticipation for the people of Israel who were always subjugated and enslaved. In the first reading, taken from the prophet Jeremiah, Yahweh assures: “… isang matuwid na usbong mula sa angkan ni David ang pasisibulin ko; magiging makatarungan siya at paiiralin ang matuwid sa lupain. Maliligtas ang Juda at magkakaroon ng kapayapaan ang Jerusalem sa mga araw na iyon, kaya tatawagin siyang Yaweng-Aming- Katarungan.” The second reading, taken from the first Letter of Paul to the Thessalonians, exhorts us to untiringly prepare for the salvation that the Christ will bring in his return in glory: “Patatagin nawa niya ang inyong kalooban, at maging banal kayo at walang-sala sa harap ng Diyos na ating Ama, sa pagdating ni Jesus na ating Panginoon na kasama ang lahat niyang mga banal.” Jesus, in the gospel reading, announces terrible things to happen. These terrible occurrences accompany a liberative event. We are not made to be tangled up with worldly goods and interests; we are made to be free as children of God; we are called to be free to love and live a generous life. Thus, the message of Jesus is positive, optimistic and full of hope: “Kung magsimula nang maganap ang mga ito, tumindig kayo at tumunghay dahil palapit na ang inyong katubusan.”
© Copyright Pang Araw-Araw 2021