Ebanghelyo: Lucas 9:46-50
Nangyari na ikinabahala nila kung sino nga kaya sa kanila ang pinakadakila. Alam ni Jesus ang pinagtatalunan nila sa kanilang isipan kaya kumuha siya ng isang bata at pinatayo sa tabi niya. At sinabi niya sa kanila: “Ang tumatanggap sa batang ito sa ngalan ko ay tumatanggap sa akin, at ang tumatanggap sa akin ay tumatanggap sa nagsugo sa akin. At isa pa: ang matagpuang pinakamaliit sa inyong lahat ang siyang dakila.”
At nagsalita si Juan: “Guro, may nakita kaming nagpapalayas ng mga demonyo sa ngalan mo. Pero pinagbawalan namin siya dahil hindi siya sumusunod na kasama namin.” Ngunit sinabi ni Jesus sa kanya: “Huwag ninyo siyang pagbawalan dahil panig sa inyo ang hindi laban sa inyo.”
Pagninilay
Makikita natin kung gaano kahaba ang pag-unawa ni Jesus sa kanyang mga alagad. Kaya pinakita niya sa kanila kung sino talaga ang totoong pinakadakila para sa kanya. Sa bawat oras na sinasaway ng mga alagad ang isang tao, tinuturuan sila ni Jesus ng isang mahalagang aral o mensahe. Sa pagkakataong ito, itinuro ni Jesus sa mga alagad ang kahalagahan ng pagpapakumbaba at paglilingkod. Katulad din tayo ng mga alagad, maraming beses na hindi rin natin naiintindihan ang mga mensahe ni Jesus sa ating buhay. Nararamdaman natin ang mabagal na ngiti ni Jesus habang ipinapakita niya ang kanyang pasiya sa amin at inaasahan na lumago tayo sa pag-unawa sa kanyang mensahe.
© Copyright Pang Araw-Araw 2021