Ebanghelyo: Marcos 9:30-37
Umalis sila roon at nagsimulang dumaan sa Galilea. Gusto niya na walang sinumang makaalam sapagkat tinuturuan niya ang kanyang mga alagad. At sinabi niya sa kanila: “Ibibigay ang Anak ng Tao sa kamay ng mga tao. Papatayin nila siya ngunit pagkapatay nila sa kanya, babangon siya sa ikatlong araw.” Kaya lubha silang nalungkot. Hindi nila ito naintindihan at hindi rin sila nangahas magtanong sa kanya.
Pagdating nila sa Capernaum, nang nasa bahay na siya, tinanong niya sila: “Ano ang pinag-uusapan ninyo sa daan?” At hindi sila umimik; pinagtatalunan nga nila sa daan kung sino ang mas una.
Kaya naupo siya at pagkatawag sa Labindalawa ay sinabi sa kanila: “Kung may gustong mauna, maging huli siya sa lahat at lingkod ng lahat.”
At pagkakuha niya sa isang maliit na bata, pinatayo ito sa gitna nila at inakbayan at saka sinabi sa kanila: “Ang sinumang tumanggap sa isa sa mga batang ito nang dahil sa aking pangalan ay tumatanggap sa akin. At ang tumatanggap sa akin ay hindi ako ang tinatanggap kundi ang nagsugo sa akin.”
Pagninilay
Nang ipinahayag ni Pedro na si Jesus ang Mesiyas ay hindi niya talaga nauunawaan ang kanyang mga salita: “Ikaw ang Mesiyas.” (Mk. 8:29). Sinaway siya ni Jesus matapos ang kanyang naging reaksyon tungkol sa unang prediksyon ng pagpapakasakit, pagkamatay at pagkabuhay na muli ni Jesus (Mk. 8:33). Ngayon, ito ang pangalawang pagkakataon na hinulaan ni Jesus ang kanyang pagpapakasakit, pagkamatay at muling pagkabuhay. Ganito pa rin ang nakuha niyang reaksyon mula sa kanyang mga alagad: “Kaya lubha silang nalungkot. Hindi nila ito naintindihan at hindi rin sila nangahas magtanong sa kanya.” Nabigo silang maunawaan siya. Sa katunayan, mas nababahala pa sila sa kasalungat ng pagpapakasakit, pagkamatay at muling pagkabuhay ni Jesus: “… pinagtatalunan nga nila sa daan kung sino ang mas una.” The conclusions of both episodes are similar too: “Kung may gustong sumunod sa akin, itakwil ang kanyang sarili at kunin ang kanyang krus para sumunod sa akin” (Mk. 8:34); “Kung may gustong mauna, maging huli siya sa lahat at lingkod ng lahat” (Mk. 9:35). The disciples expect a triumphant savior, a conqueror that cannot be delivered to death by his enemies. But what lies behind their incomprehension is ambition; because of this, the cross shall be rejected, and service and sacrifice cannot simply fit in the picture. The first reading already alerted us that human mind can be pervert: an unjust looking to destroy the just. The passion, death and resurrection of Jesus provoke our human logic. In God’s thinking it is egoism, selfish ambitions that do not fit at all. James, in the second reading, exhorts us to live the same attitude of Jesus. Envy and negative rivalry will lead us to destruction. Instead he affirms that: “Ang karunungang galing sa itaas, unang- una ay dalisay; mapayapa rin ito, mapagbigay, may magandang-loob, puspos ng pagkaawa at ng mabubuting bunga, hindi nagtatangi, hindi nagkukunwari. Naghahasik ng kapayapaan ang mga gumagawa ng kapayapaan, at kabanalan ang inaani nila.”
© Copyright Pang Araw-Araw 2021