Ebanghelyo: Juan 6:1-15
Pagkatapos nito, nagpunta si Jesus sa kabilang ibayo ng dagat ng Galilea sa may Tiberias. Sinusundan siya ng makapal na tao dahil napansin nila ang mga tandang ginagawa niya sa mga maysakit. Umahon si Jesus sa bundok at naupo siya roon kasama ang kanyang mga alagad. Malapit na ang Paskuwa na piyesta ng mga Judio.
Kaya pagkatunghay ni Jesus at pagkakita niyang marami ang taong pumupunta sa kanya, sinabi niya kay Felipe: “Saan kayo makabibili ng tinapay para makakain ang mga ito?” Sinabi niya ito bilang pagsubok sa kanya dahil alam na niya kung ano ang napipinto niyang gawin. Sumagot sa kanya si Felipe: “Dalawandaang denaryong tinapay ay hindi sapat sa kanila para makakuha ng tigkakaunti ang bawat isa.”
At sinabi naman sa kanya ng isa sa kanyang mga alagad na si Andres na kapatid ni Simon Pedro: “May maliit na bata rito na may limang tinapay na sebada at dalawang isda. Ano ito para sa pagkarami-raming tao?”
Madamo sa lugar na iyon kaya sinabi ni Jesus: “Paupuin n’yo ang mga tao.” Kaya nag-upuan sila, halos limanlibo ang mga lalaki.
Kaya kinuha ni Jesus ang mga tinapay at pagkapagpasalamat, at ipinabigay sa mga nakaupo. Gayundin naman sa mga isda – gaano man ang gustuhin nila. Nang busog na sila, sinabi niya sa kanyang mga alagad: “Tipunin ninyo ang natirang mga piraso para walang masayang.” Kaya tinipon nila ang mga tira ng mga pinakain, at labindalawang bakol ang napuno ng mga pira-piraso mula sa limang tinapay na sebada.
Pagkakita sa tandang ginawa ni Jesus, sinabi ng mga tao: “Ito ngang talaga ang Propeta parating sa mundo.” At alam ni Jesus na parating sila upang agawin siya para gawing hari kaya lumigpit siyang muli na siya lamang mag-isa sa bulubundukin.
Pagninilay
The first reading narrates how the prophet Elisha, in his time, follows the instruction of Yahweh to give food to the people: “Ibigay mo sa mga tao para makakain sila.” In the minds of the Israelites, prophets are accompanied by extraordinary working to give weight to the message they bring. Jesus multiplied the bread, and after the people have eaten, Jesus commanded the disciples to gather the left-overs. This is indeed an extraordinary event. Thus, the people commented: “Ito ngang talaga ang Propeta parating sa mundo.” The Israelites were expecting a prophet like Moses (Dt. 18:15, 18). But the author of Deuteronomy concluded his work noting that there was no more prophet like Moses arose since then (Dt. 34:10). It was quite natural that many Israelites took notice when Jesus appeared doing extraordinary things. But Jesus has a different agenda. He came not feed the people. He came to establish God’s Kingdom which is at the heart of the multiplication of the bread. Here, the Kingdom is in-breaking. This happens to us; many times God consent to satisfy our needs and desires and sometimes denies us also of many things. Yet, this is for the in-breaking of the Kingdom. God has a higher purpose that may be hidden to our human understanding. That is why Paul exhorts us to do our part by keep “feeding” our faith by doing concrete things appropriate to our Christian calling.
© Copyright Pang Araw-Araw 2021