Ebanghelyo: Juan 3:14-21
At kung paanong itinaas ni Moises ang ahas sa disyerto, gayundin dapat itaas ang Anak ng Tao upang magkaroon ng buhay magpakailanman ang bawat nananalig sa kanya.
Ganito nga kamahal ng Diyos ang mundo! Kayat ibinigay niya ang kanyang bugtong na anak upang hindi na mawala ang bawat nananalig sa kanya kundi magkaroon ng buhay magpakailanman.
Hindi nga sinugo ng Diyos sa mundo ang Anak upang hukuman ang mundo kundi upang maligtas ang mundo sa pamamagitan niya. Hindi hinuhukuman ang nananalig sa kanya. Ngunit hinukuman na ang hindi nananalig pagkat hindi siya nananalig sa Ngalan ng bugtong na Anak ng Diyos.
Ito ang paghuhukom: dumating sa mundo ang liwanag pero mas minahal pa ng mga tao ang karimlan kaysa liwanag sapagkat masasama ang kanilang gawa. Ang gumagawa ng masama’y napopoot nga sa liwanag at hindi lumalapit sa liwanag, at baka malantad ang kanyang mga gawa. Lumalapit naman sa liwanag ang gumagawa ng katotohanan upang mabunyag na sa Diyos ginagawa ang kanyang mga gawa.
Pagninilay
The Babylonian invasion was a total wreck for the Israelites. It was a national catastrophe. They have lost the majestic temple built by Solomon, the symbol of God’s presence and national pride. Their leaders were brought to a foreign land as captives. Babylonian exile was one of the most devastating experiences of the Israelites: “Sinunog ng mga Kaldeo ang Bahay ng Diyos at giniba ang mga pader ng Jerusalem, sinunog nila ang lahat ng palasyo at sinira ang lahat ng bahay na mahalaga. Ang mga nakaligtas sa tabak ay dinala sa Babilonia, bilang mga alipin niya at ng kanyang mga anak hanggang sa kamtin ng kahariang Persia ang kapangyarihan.” But Yahweh remembered his people. After forty years, the Israelites can go back to their land to rebuild the temple; to start again beginning with a place to worship God, a point of reference to be a people again. God’s love is irrevocable. The first reading relates to us how Yahweh liberates his people again, like liberating them from the slavery in Egypt. The love of Yahweh is constant despite of human frail loyalty. In the Gospel reading, this loving act of God continues in the sending of the Son to the world that refuses to recognize the Son: “Ganito nga kamahal ng Diyos ang mundo! Kayat ibinigay niya ang kanyang bugtong na anak upang hindi na mawala ang bawat nananalig sa kanya kundi magkaroon ng buhay magpakailanman.” Jesus did not refuse to be raised on the cross to give life. His coming is not an act of judgement but of love: “Hindi nga sinugo ng Diyos sa mundo ang Anak upang hukuman ang mundo kundi upang maligtas ang mundo sa pamamagitan niya.” At dagdag ng pangalawang pagbasa: “Ngunit mayaman sa awa ang Diyos at malaki ang kanyang pag-ibig sa atin. Kaya bagamat patay tayo dahil sa ating mga kasalanan, binuhay niya tayong kaisa ni Kristo: naligtas kayo nang walang bayad!” Kaya ba nating magmahal na walang bayad?
© Copyright Pang Araw-Araw 2021